Lumabas ang tunay na kulay?Mader Sitang, Ipinadedeklarang Persona Non Grata sa ng kanyang Pinoy Manager sa Pilipinas

Kama-kailan  lang naging mainit ang pagtanggap ng mga Pinoy sa pagbisita ng social media sensation na si Mader Sitang sa Pilipinas noong nakaraang buwan. Lalo din siyang hinangaan dahil sa pinakita niyang kabutihang loob lalo na nang mamahagi siya ng pagkain at pera.

Kaya naman marami ang nabigla sa balitang lumabas tungkol sa diumano'y naging karanasan ni Wilbert Tolentino, ang tumayong international manager niya at naging daan upang makabisita si Mader Sitang sa Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Pep, dumating umano sa Bangkok ng 8:30 p.m. sina Wilbert at nakatakda sana silang magkaroon ng welcome dinner.

Gayunpaman, hindi ito natuloy dahil sa mga naging demands diumano ni Mader Sitang. Nais daw nitong tumanggap siya ng 19.5M baht o katumbas ng halagang 31.3M sa Philippine money bago pa ito pumirma ng kontrata.

Ilan umano sa paglalaanan sana niyon ay para sa bahay, opisina at mini-warehouse na magkakahalaga ng 9.5M baht o 15.3 milyong piso at karagdagang 10M baht o 16 milyong piso para sa iba pa nitong pangangailangan.

Ayon pa kay Wilbert, sinalubong naman siya ni Mader Sitang sa airport ngunit iniwan din daw siya nang mapag-alamang wala itong dalang pera.

Dahil dito ay dumulog daw si WIlbert sa consul ng Pilipinas sa Thailand nitong November 7 upang ipadeklarang persona non grata ang internet sensation. Ito ay para hindi na daw makabalik pa ng Pilipinas si Mader Sitang.

Ayon pa sa ulat, 30 milyong piso na daw ang ginastos ni Wilbert para sa merchandising items na perfume, hair products, t-shirts at iba pa na dapat ay ibebenta online.

“Lahat ng kikitain doon ay ibibigay ko sa charity,” saad ng Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert.

Sa kabilang banda ay wala pang official statement na inilalabas ang kampo ni Mader Sitang. Bilang isang taong dati nang nahusgahan nang hindi pa lubos na nakikilala, sana ay maihayag din nito ang kanyang panig.

Sumikat si Mader sitang dahil sa mga viral videos ng kanyang sayaw at pag he-head bang. Marami ang nang bash sa kanya dahil sa mga videos na iyon ngunit nabago naman iyon nang mapag-alaman ng marami na tumulong pala ito sa ilan nating kababayan na sinalanta noon ng bagyong Yolanda.

Lumabas ang tunay na kulay?Mader Sitang, Ipinadedeklarang Persona Non Grata sa ng kanyang Pinoy Manager sa Pilipinas Lumabas ang tunay na kulay?Mader Sitang, Ipinadedeklarang Persona Non Grata sa ng kanyang Pinoy Manager sa Pilipinas Reviewed by David Tan on Thursday, November 08, 2018 Rating: 5